Williams, tumaas ang ranking

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed

LONDON (AP) — Matapos ang matikas na pagbabalik sa Wimbledon, umakyat ang ranking ni Serena Williams at nakapasok sa Top 30 ng WTA rankings.

WILLIAMS: Sumirit sa world ranking matapos ang impresibong pagbabalik sa Wimbledon. (AP)

WILLIAMS: Sumirit sa world ranking matapos ang impresibong pagbabalik sa Wimbledon. (AP)

Nasa ranked 28th si Williams sa pinakabagong inalabas na ranking ng WTA. Tumapos na runner-up ang dating world No. 1 sa Wimbledon nang magapi ni Angelique Kerber ng Germany. Pumuwesto si Kerber sa No.4 mula sa No.10, habang No.1 si Simona Halep na umabot sa third round ng All England Club.

Umakyat din ang ranking ni Kevin Anderson sa men’s top 5 sa unang pagkakataon matapos ang impresibong kampanya sa Wimbledon kung saan tinalo siya ni Novak Djokovic. Nangunguna pa rin si Rafael Nadal.