Rider sugatan sa jeep

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ilan sa ating mga kababayan ang nagsasabing “malas” ang Friday the 13th.

Isa na rito ang isang motorcycle rider na naaksidenteng masalpok ang isang pampasaherong jeep sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Art Baylon, 35, dahil sa mga galos sa katawan.

Base sa report, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Quirino Highway, sa Barangay Malaria, Caloocan City, dakong 5:00 ng madaling araw.

Bigla umanong nag-over take si Baylon kaya nabangga nito ang nakasalubong na pampasaherong jeep na minamaneho ni Jonathan Belendez, nasa hustong gulang.

Isinugod si Baylon ng mga rescuers sa ospital.

-Orly L. Barcala