Pamilya Bote sa PNP: Parusahan lahat ng sangkot

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Nabuhayan na ng loob ang pamilya ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, na mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

Sa pahayag ng biyuda ni Bote na si Mayvelyn, hiniling din nito sa Philippine National Police (PNP) na “maparusahan ang lahat ng sangkot sa pamamaslang sa kanyang asawa”.

Nagpasalamat din ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mabilis na pag-aksiyon ng pulisya sa kaso.

Nagbigay ng pahayag ang pamilya Bote bilang tugon sa pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde na naaaresto na nila ang dalawa sa mga pumatay sa alkalde.

-Ariel P. Avendaño