Hindi masama magpahinga -Luis

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGULAT ang fans ng TV host na si Luis Manzano nang i-post niya sa sa kanyang Instagram at Facebook account nitong Miyerkules, Hulyo 12, ang litrato na naka-dextrose siya with a caption na “hindi masama ang magpahinga, bronchitis got me.”

LUIS 2

Marami ang nagpaabot ng well wishes kay Luis at siyempre pa, kasama niya ang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Post ni Jessy, “Aba ok na siya” na sinagot naman ni Luis ng “@senorita_jessy – medyo po, thanks to you doc andi.”

Kilala kasing masipag magtrabaho si Luis. May mga shows siya sa ABS-CBN, may mga businesses din siyang inaasikaso, isa na rito ang kanyang brand of perfumes na LuckyandLulu’s online.

May post nga siyang, “looking for Resellers, Distributors, Local Partners. Sa mga interested tumawag daw lamang sa 0917-792 8393 and look for Sir Rav.”

Mukhang naghahanda na talagang mag-settle down si Luis with Jessy very soon, kaya ganoon siya kasipag. May sarili na rin namang bahay si Luis, iyon ay ang ibinigay na bahay ng kanyang mommy na si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa Green Meadows.

Kababalik lang din nina Luis at Jessy mula sa Europe dahil doon sila nag-celebrate ng kanilang anniversary as sweethearts.

-NORA CALDERON