Bebot dinakma sa buy-bust

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang ginang na umano’y tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration (DECOPA), ang suspek na si Soraida Lomondot, alyas Aira, 33, ng No. 0296 Elcano Street, Sta. Rita, Guiguinto Bulacan.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng umano’y sinu-supplyan nito ng shabu na nahuli kamakailan ng Caloocan Police sa Barangay 176, Caloocan City.

Ayon kay Del Rosar io, ikinasa ng SDEU ng Caloocan Police ang operasyon at nakabili ng P2,000 halaga ng shabu ang poseur-buyer kay Lomondot sa West Avenue, Quezon City.

Bukod sa isang pakete ng umano’y shabu, nakuha rin kay Lomondot ang 50 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P150,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 11 at Sec 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Orly L. Barcala