2 kulong sa sugal, ‘shabu’

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sa rehas ang bagsak ng dalawang lalaki matapos umano n g maaktuhang nagsusugal at mahulihan ng hinihinalang shabu sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerry Byle Montero y Cabalo, 37, ng No. 258 Block 7, Sitio 8, Barangay West Rembo, Makati City; at Nick Lucban y Dela Cruz, 18, ng Mayon Street, Pallar Village, Taguig City.

Sa ulat ng Makati City Police, nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 ang mga suspek sa eskinita ng isang abandonadong bahay sa Block 7, Sitio 8, sa Bgy. West Rembo ng naturang lungsod, dakong 3:30 ng madaling araw.

Naaktuhan umanong nagsusugal sina Montero a t L u c b a n a t k a pwa nakumpiskahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa bulsa.

Nakakulong ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at PD 1602 (Illegal Gambling) sa Makati Prosecutor’s Office.

-Bella Gamotea