Terrence Romeo nasangkot sa rambol

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Naareglo ang gusot na kinasangkutan ng PBA star player na si Terrence Romeo at ng isang balikbayan sa naganap na rambol sa isang bar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang balikbayan na si Darwin Pelena y Bacani, 26, taga-Sta. Cuz, Maynila. Siya ay nagtamo ng galos at pasa sa katawan matapos sapakin ng hindi pa nakikilalang lalaki na umano’y tagahanga ni Romeo.

Sa pahayag ni Romeo sa hepe ng Quezon City Police District- Station10 na si Police Supt. Benjie Tremor, galing siya at ang kanyang mga kasama sa isang bar sa Tomas Morato sa Barangay South Triangle, Quezon City nang maganap ang insidente, dakong 4:00 ng madaling araw.

Dinumog umano si Romeo, na kinabibilangan ni Peleba, at nagpakuha ng litrato. Bigla umanong may mga humatak kay Romeo at may sumapak kay Pelena hanggang sa nauwi sa rambulan.

-Jun Fabon