Re-election ni Poe, ‘di pa sigurado

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Hindi pa tiyak si Senator Grace Poe kung kakandidato siya para sa re-election sa halalan sa susunod na taon, kahit pa lagi siyang nangunguna sa mga survey.

Ayon kay Poe, kung sakali man na tumakbo siya, magiging independent siya, gaya ng ginawa niya noong 2013 elections, nang maging guest candidate siya ng Liberal Party (LP).

Aniya, ang kanyang magiging desisyon ay kailangan pa nilang pag-usapan ng kanyang asawang si Atty. Neil Llamanzares, na ayon sa kanya ay na-trauma nang matalo siya sa pagkandidatong presidente noong 2016.

“It’s a personal reason for me. I have to talk to my husband about this. I have to talk to my God and I have to talk to my mom, and definitely my husband. I think, more than us, I think he’s traumatized by what happened during the last elections,” ani Poe.

Sa ngayon, aniya, ay nagpapaabot siya ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta, partikular matapos siyang manguna sa senatorial surveys ngayong linggo.

-Leonel M. Abasola

  • gerry

    Wag ka po mawalang ng lakas ng loob Sen Poe, andito lng po kami sa likod mo po. Alam kong kayang kaya mo po yan. Ang tulad mo po ang kelangan sa senado.

  • karmencita

    Malaki na po ang edge nyu sa mga katrabaho nyu sa senado, halos lahat po sila mga kurap eh. Wala naman po talaga silang ibabato sa inyu kasi malinis po iyong pagkatao.

  • Marie Ilongga

    Kaya no doubt laging Top1 si Senator Grace Poe. Di kasi siya kurap. Di kailangan magpasikat gaya ng iba, para lang mapansin ng taong bayan ang kanyang nagawa sa bayan.

  • Pirate Jack

    Malaking kawalan ka po sa senate pag di ka natuloy tumakbo. Kawawa naman po kaming mga ordinaryong Pinoy, pagsasamantalahan lang kami ng mga buwayang senators.

  • briel

    I believe in your capabilities Senator, kaya wag ka po panghinaan ng loob. Ang mga gaya mo po ang kelangan ng taongbayan.