Pagkain ng mani, nakatutulong sa male fertility

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

ANG pagkain ng mani ay nakatutulong nang malaki para mapadami at gawing malusog ang sperm ng kalalakihan, sa isang scientific trial, pahayag ng mga mananaliksik nitong Miyerkules.

Ang findings “support a beneficial role for chronic nut consumption in sperm quality”, anila, ngunit binigyang-diin nila na ang mga partisipante ay pawang malulusog, at mga fertile.

At patutunayan pa ang mga potensiyal na benepisyo ng mani para sa kalalakihang nahihirapang magkaanak.

Sa pag-aaral, nag-recruit ang mga mananaliksik ng 119 na lalaki, edad 18-35, at hinati ito sa dalawang grupo.

Ang mga kabilang sa isang grupo ay kumain ng 60 grams ng almonds, hazelnuts, at walnuts araw-araw sa kanilang usual “western-style” diet, habang ang isa naman ay hindi kumain ng mani.

Makalipas ang 14 na linggo, ang nut group “had significant improvements in their sperm count, vitality, motility (movement) and morphology (shape)” — lahat ay may kinalaman sa male fertility, saad sa pahayag.

“Moreover, the subjects in the nut group also showed a significant reduction in their levels of sperm DNA fragmentation, a parameter closely associated with male infertility.”

Ang resulta ay pareho sa naging obserbasyon sa ibang pag-aaral, na diniskubre ang kakayahan ng mga pagkaing mayaman sa omega-3, antioxidants, gaya ng vitamins C at E, selenium at zinc, at folate.

Ang mani ay mayaman sa lahat ng nabanggit na nutrients.

Iprinisinta ang pag-aaral sa pagpupulong ng European Society of Human Reproduction and Embryology sa Barcelona.

Ibig bang sabihin nito na ang kalalakihang may problema sa pagkakaroon ng anak ay dapat na kumain palagi ng mani?

“We can’t yet say that,” ayon sa co-author ng pag-aaral na si Albert Salas-Huetos, ng Rovira i Virgili University sa Spain.

“But evidence is accumulating in the literature that healthy lifestyle changes such as following a healthy dietary pattern might help conception — and of course, nuts are a key component of a Mediterranean healthy diet.”

-Agencé France-Presse