Megan at Mikael, kasama ang pamilya sa ‘honeymoon’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TRAVEL buddies sina Kapuso stars Megan Young at Mikael Daez, ito ang lagi nilang sinasabi kapag nagbibiyahe sila.

Mikael at Megan

At ang sweet ang posts nila, huh! Lagi tuloy silang tinatanong kung kasal na sila, at panay din naman ang tanggi nila. ‘Yon nga lang, medyo na-intriga ang mga katoto nang minsang sumagot si Mikael ng “malay n’yo!”

Nitong isang araw, nag-post si Mikael ng video na tinatawanan niya si Megan dahil paalis sila papuntang Paris, pero naiwanan ng beauty queen ang kanyang passport, kaya kita ang pagkainis sa mukha ni Megan. Naayos naman ang aberya dahil kasunod nito ang Instagram story ni Mikael na, “Parang honeymoon lang kami ni Bonez sa Paris! Sweet-sweetan… pero kasama ang mga kapatid ko! #theveryawkwardkuya #parangawkwardrinsibonez #inparisnomalice”.

May video rin si Mikael na magkatabi sila ni Megan at caption nito, “Just the two of us, together in bed, romantic in Paris, with my brother on the side.” Ipinakita niya sa video ang natutulog na brother niya.

Kahit si Megan ay nag-post din sa kanyang Instagram wall ng, “walked through Champ de Mars to get to breakfast with @mikaeldaez and the boys, a nice quiet morning just appreaciating the Eiffel Tower.”

Hindi lamang brother ni Mikael ang kasama nila, kasama rin ang mga kapatid niyang babae, ang Daez ladies.

Magkasama sina Megan at Mikael sa top-rating afternoon prime drama series na The Stepdaughters at tiyak na hindi naging problema sa kanila ang humingi ng ilang araw na bakasyon sa taping dahil may advance episodes na sila. Napapanood ang The Stepdaughters araw-araw, pagkatapos ng Contessa.

-Nora V. Calderon