Maine luhaan sa engagement ni Justin Bieber

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NANG sumabog last July 10 ang balitang engaged na ang Canadian pop star na si Justin Bieber sa modelong si Hailey Baldwin ay nadismaya si Maine Mendoza, na aminado namang isa siya sa milyong fans ni Justin.

Maine copy

Nag-tweet siya kaagad: “Tandang-tanda ko pa nung 2009, sabi ko ako magiging asawa niya hahaha buset”.

Nag-post din siya ng ilang lines ng song: “Plays that should be me: That should be me holding your hand, That should be me making you laugh, That should be me, This is so sad, That should be me feeling your kiss, That should be me buying you gifts This is so…”

In 2009, fourteen years old pa lang si Maine. First time nilang nag-meet ni Alden Richards noong 2010 sa Candy Fair, at gamit pa noon ni Alden ang tunay na pangalang Richard Faulkerson, Jr.

Muli silang nagkita ng aktor, at Alden Richards na ito, sa Eat Bulaga, noong July 16, 2015. Kaya naman sinagot siya ng AlDub Nation fans ng:

“Sa iba ka kasi nakatadhana”; “Siya na lang Meng, mas safe ka, sure ka at special ka, kaya abot kamay ang pangarap”; “Hahawakan ka para hindi mahulog kay Justin Bieber”; “There is a better guy than him na nakatadhana sa iyo. Itago natin siya sa pangalang Richard Faulkerson, Jr. Di hamak na mas loyal iyon, di ba?”.

Sa Monday, July 16, ay third anniversary na ng AlDub (Alden at Yaya Dub), at tiyak na may celebration sa Eat Bulaga, gaya ng nakalipas na two anniversaries nila.

-NORA V. CALDERON