JoshLia ala-Romeo & Juliet sa bagong teleserye

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BOX office hits ang mga pelikulang pinagtambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia, kagaya ng Vince & Kath & James, Love You to the Stars and Back, Unexpectedly Yours, at ngayon nga ay pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula nila with Kris Aquino, ang I Love You Hater.

Joshua at Julia

Patunay lamang ito na may box office appeal na ang tambalan nina Julia at Joshua. Pagdating sa telebisyon ay mataas din ang naitalang rating ng Maalaala Mo Kaya episode na pinagsamahan ng dalawa, huh!

Ngayon nga, for the first time, ay magtatambal ang dalawa sa teleseryeng Ngayon at Kailanman. Kaya ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang mga tagahanga ng JoshLia, huh!

“Sa totoo lang, eh, kinakabahan talaga ako, kasi siyempre hindi mo pa alam ang reaksiyon ng tao sa bago naming gagampanang role. Pero malaki ang tiwala naming dalawa ni Julia na Star Creatives na gumawa ng istorya,”sey ni Joshua.

Ayon pa rin sa Kapamilya young actor, natutuwa raw siya sa magandang pag-aalaga sa kanila ng mga writers ng bagong serye.

“Napapansin talaga namin na sobra ang pag-aalaga ng mga writers sa role namin. Kumbaga, ‘yung ginawa naming pag-arte, talagang binusisi nila, kasi mahirap talaga. Lalo na sa akin, kasi hindi ako Inglisero sa totoong buhay, napapa-English ako nila,”napatawang banggit pa ni Joshua.

Para naman sa isang Julia Barretto, naniniwala ang aktres na malaki ang maitutulong ng gagawin nilang serye para sa career nila pareho ni Joshua.

“I think, it’s been my dream for Joshua and I to do soap opera. I’m so happy na ang gagawin namin is a classic love story. Langit-lupa, forbidden love, parang Romeo and Juliet.

“I’m so excited, sobrang ibang-iba po ang character ko. This one is talagang complete 360 (degrees), ibang-iba po talaga siya, and same with Joshua. We are so excited na to do television,” hirit pa rin ni Ms. Julia Barretto.

-JIMI C. ESCALA