Joey Paras, makapagpapaopera na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABASA namin ang post ng komedyanteng si Joey Paras sa Instagram (IG) na nagpapasalamat sa mga kasama sa Sunday Pinasaya sa ibinigay na tulong para sa gagawing medical procedure sa kanya.

Joey copy

“Ngayon pa lang…Nagpapasalamat na ako sa mga TAONG nagpakita at nagparamdam sa akin ng tunay nilang PAGMAMAHAL. Thank you for HELPING me get through this life-threatening trial of mine. Maraming Maraming Maraming Salamat Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Valeen Montenegro, Alden Richards, Direk Mike Tuviera, Ateng Rams David, Jerald Napoles, MY APT ENTERTAINMENT FAMILY and most of ll my SUNDAY PINASAYA FAMILY. Next week, i will undergo my CRT-D DEVICE IMPLANTATION because of you guys. Salamt po. Thank you for saving me. God Bless Yu MORE! Amen. #thankful #heartfailureawareness.”

Nag-Google kami at nalamang ang CRT-D Device Implantation ay Cardiac Resynchronization Theraphy, na isang special device para sa heart failure patient.

Mataatandaang sumailalim si Joey ng angioplasty noong Oktubre 28, 2016.

-Nitz Miralles