Janine may one-liner tungkol sa separated parents

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MARUNONG sumagot si Janine Gutierrez sa mga fans, bashers man o talagang mga fans niya. Matapos i-announce ng GMA na si Janine ang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol ay isang basher ang nagbanggit tungkol sa kanyang pamilya.

Ayon sa post ni @irongirl02: “user starlet gwen palibhasa mula sa broken family kaya hilig din manira ng iba. Wait mo karma mo.” Tinukoy ng basher ang karakter ni Janine sa Victor Magtanggol na Gwen Regalado, isang field reporter.

Sagot ni Janine: “@irongirl02 having separated parents doesn’t make you broken though. If anything, it makes you stronger.”

Dinumog ng fans ni Janine ang nasabing basher, at inako na ng mga tagasuporta ng aktres ang pagtatanggol sa kanya. Sagot nila: “Sana wag k nang mang-awat na sagutin mga nangba-bash syo na nawiwili baka akala nila wala kang fans kaya walang sumasagot di na namin ma-take mga pinagsasabi kaya pabayaan mo na kami muna.”

May nagpasalamat din kay Janine sa pagtanggap sa role: “Ty for accepting the role & being brave kahit maramang mga hanash. Very professional. Very beautiful.”

“Gandaa, I’m excited to see you na, wish ko talaga ‘to galing mo cgurong mag-project ala Lara Croft di ba?”post naman ng isa pa.

Samantala, kung si Maine Mendoza ay umaming girl crush niya si Janine, sinabi rin ni Kate Valdez—na nakasama ni Janine sa Sherlock Jr—na girl crush din niya ang aktres. May nagsabi ring kahawig ni Janine si Selena Gomez.

Sinabi ng fans na hinihintay na nilang ipalabas ang Victor Magtanggol, dahil excited na silang mapanood si Janine sa mag-action muli.

Sa kasalukuyan, nasa Japan pa sina Alden, Janine at Ms. Coney Reyes para sa shoot ng ilang eksena ng action-drama-fantasy series, na very soon ay mapapanood na sa early primetime block ng GMA 7, under the direction of Dominic Zapata.

-Nora V. Calderon