Hapones, pinatulog ng Pinoy boxer

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

PINATULOG sa 5th round ni dating Philippine welterweight champion Arnel Tinampay si Japanese Shoma Fukomoto nitong Hulyo 9 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ginulat ng 34-anyos na si Tinampay ang knockout artist na si Fukomoto nang mapabagsak niya ang Hapones na No. 9 middleweight contender ng Japan.

Sa sagupaan naman nitong Hulyo 7 sa Korakuen Hall din, pinatulog ng walang talong Hapones na si Junto Nakatani ang Pilipinong si Dexter Alimento sa 3rd round ng kanilang sagupaan.

“Unbeaten flyweight prospect, WBC#5 Junto Nakatani, 112, impressively disposed of WBO #10 Filipino Dexter Alimento at 0:36 into the third round of a scheduled ten on Saturday in Tokyo, Japan,” ayon sa ulat ng Fightnwes.com.

“Junto took the initiative from the outset and was obviously in command in the first two rounds. Nakatani, in round three, accelerated his two-fisted attack and connected with vicious body shots followed by southpaw lefts,” dagdag sa ulat. “Down went Dexter. He couldn’t beat the count to make the bright prospect an early victor.

Napaganda ni Nakatani ang kanyang rekord sa perpektong 16 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Alimento sa 13 panalo, 4 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña