‘Goyo’, isa sa pinakamagastos na pelikulang Pilipino

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA Setyembre 5 na ang simula ng nationwide showing ng Goyo: Ang Batang Heneral, na tungkol sa istorya ng buhay ni Gregorio del Pilar. Si Paulo Avelino ang gaganap sa karakter ni Gregorio sa direksiyon ni Jerrold Tarog at produced ng TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios.

GOYO POSTER copy

Isa ang Goyo sa pinakamahal na pelikulang Pilipino. Sequel ito sa Heneral Luna na tungkol naman sa buhay ni Juan Luna, na ginampanan ni John Arcilla.

Kabilang sa cast ng Goyo si Leo Martinez bilang si Pedro Paterno, Mon Confiado bilang si Emilio Aguinaldo, Benjamin Alves bilang si Manuel L. Quezon, at Epy Quizon bilang si Apolinario Mabini. Narito rin sina Alvin Anson bilang si Jose Alejandrino, Empress Schuck bilang si Felicidad Aguinaldo, Carlo Aquino bilang si Vicente Enriquez at Perla Bautista bilang si Trinidad Aguinaldo.

Marami na ang nag-aabang sa Goyo at siguradong hindi sila bibiguin ni Direk Jerrold.

-Nitz Miralles