Fr. Martin Cup Division 2 sa Sabado

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

KABILANG ang National University Bullpups-B sa sasabak sa senior division sa pagbubukas ng 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa Sabado (Hulyo 14) sa St. Placid gymnasium sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Makakaharap ng Bullpups-B, nagwagi sa junior division title sa nakalipas na taon, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ganap na 9:30 ng umaga.

Mauna rito ang laban ng University of Santo Tomas kontra First City Providential School of Bulacan sa junior side ganp na 8:00 ng umaga.

Mapapalaban naman ang San Beda-Manila Red Kittens sa St. Joseph Bulacan sa alas 11:00 ng umaga.

Sa nakalipas na season, sumandig ang Bullpups sa tikas ng twin towers nina Carl Tamayo at Kevin Quiambao para magapi ang Manila Patriotic School Patriots, 91-69.

Ang Diliman College Blue Dragons ang defending champions sa senior division nang gapiin ang San Beda Red Lions, 58-53.