Celebrity doctor na si Joel Mendez, kulong sa rape

Filed under Breaking News Balita RSS RSS Feed

Kasalukuyang nakakulong sa custodial and detention unit ng Mandaluyong City Police Station ang celebrity doctor na si Joel Mendez, matapos na arestuhin dahil sa kasong panggagahasa.

Sa report ni Police Senior Supt. Moises Villaceran, Jr., hepe ng Mandaluyong City Police, kay Eastern Police District (EPD) Director Police Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Mendez sa basement parking ng 2000 BSA Twin Tower sa Mandaluyong City, dakong 11:30 ng gabi kamakalawa.

Naging matagumpay ang pag-aresto kay Mendez sa pagsasanib-puwersa ng Intelligence Unit, Tactical Motorcycle Riders, Women and Children’s Protection Department at Mobile Patrol Unit ng Mandaluyong City Police, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Imelda Portes-Saulog ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) Branch 214.

-Mary Ann Santiago