Basher ni Janine, sinupalpal ni Rayver

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGPASALAMAT ang fans ni Janine Gutierrez kay Rayver Cruz dahil ipinagtanggol ng aktor ang girlfriend sa namba-bash dito makaraang makumpirma na ang aktres ang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Janine copy

Ipinost lang ni Janine ang “Gwen” na pangalan ng karakter niya sa Victor Magtanggol ay may nag-nega comment kaagad: “User starlet gwen. Palibhasa mula sa broken family kaya hilig din manira ng iba. Wait mo karma mo.”

Sumagot si Janine sa basher may Twitter handle na @irongirl02: “Having separated parents doesn’t make you broken though. If anything, it makes you stronger.”

Dito na sumingit si Rayver at sinagot ang basher ng “Dami mong sinabi.” Napahiya yata ang basher dahil hindi na ito sumagot kay Rayver.

Napansin naman ito ng fans ni Janine at nagpasalamat sa aktor.

Hirit pa ng fan na si @sallyalimagno: “When people put you down @janinegutierrez GOD WILL PITCH YOU UP. Congrats & I’m so happy & proud of @rayvercruz for defending you!”

In fairness, kahit hindi ipinagtanggol ni Rayver si Janine ay marami pa ring fans ng aktres ang nagtanggol sa kanya.

Nakakatuwa ring mabasa na pinasalamatan si Janine ng ibang fans ni Alden sa pagtanggap sa role sa Victor Magtanggol, kahit alam ng aktres na maba-bash siya.

-NITZ MIRALLES