Xander Lee, balik-‘Pinas para mag-recording

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PAGKATAPOS gawin ng Korean actor na si Xander Lee ang first romantic-comedy series na My Korean Jagiya, na pinagtambalan nila ni Heart Evangelista, bumalik na rin sa Korea si Xander to be with his family, dahil ilang buwan din siyang nanatili dito sa bansa.

Xander

Pero last week ay bumalik na ng Pilipinas si Xander, at sinalubong siya ng mga fans niya sa airport pa lamang. First event na pinuntahan ni Xander ang 68th Anniversary ng GMA Network, kaya nagkaroon siya ng chance na makipag-bonding muli sa mga Kapuso stars. Higit sa lahat, muli niyang nakasama ang co-stars niya sa My Korean Jagiya.

Matatandaan na pumirma ng management contract si Xander sa GMA.

Nanghinayang nga siya na wala si Heart sa bansa, pero may constant communication daw naman siya sa naging leading lady niya. Naging magkaibigan kasi sila, gayundin ang husband ng aktres na si Senator Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Xander kung bakit bumalik siya sa Pilipinas: “The reason why I’m in the Philippines: Music collaboration project AXM (Alexander X Marucci).

“Keep Ya Head Up” – a song with meanings behind…a song to cheer you up… a song to comfort you. Releasing on July 12th on major music sites (Melon, iTunes, Spotify, Mnet, etc.) Never thought I’ll be doing music again…Hope you’ll like it. Love y’all.”

Wala pang binanggit si Xander kung may gagawin na siyang bagong project sa Kapuso Network, pero balitang magge-guest siya sa ilang shows ng GMA.

-NORA V. CALDERON