Richard Gomez, may movie with Sharon?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY pa-teaser si Sharon Cuneta sa magiging leading man niya sa next movie niya sa Star Cinema. At kung noong una ay letter “R” lang ang clue na ibinigay niya, sa next post ng Megastar ay may photos na nina Robin Padilla at Richard Gomez.

May caption na “Sharon Cuneta AND …??? (Who do you think it’s gonna be? One of these two Rs? Let’s all wait and see! Sabi ng Star Cinema…).”

Ang hula ng followers ni Sharon, si Richard ang makakapareha niya sa bagong pelikula. Sa isang interview kasi ay nabanggit ng Ormoc City Mayor na muli siyang gagawa ng pelikula.

Sa huling interview kay Richard sa Piña Festival ng Ormoc, sinabi ng alkalde: “I am going back to showbiz, I am considering it again and that’s what I wanna do.”

Makukulitan nito si Sharon at ang Star Cinema, dahil may ilang fans pa rin ang Megastar na gustong makapareha niya sa pelikula ang ex-husband na si Gabby Concepcion.

Nauna rito, pinuna si Sharon ng netizens na nakabasa sa panawagan niya sa Star Cinema na “LET’S. DO. THIS. About darned time!” na ang ibig sabihin ay gawin na ang follow-up movie niya sa Unexpectedly Yours. Tinag niya sina Direk Olive Lamasan, na head ng Star Cinema ngayon; Charo Santos, Malou Santos, at Direk Cathy Molina.

Pinaghahandaan din pala ni Sharon ang concert niya billed My 40 Years, her 40th anniversary concert sa showbiz. Naka-schedule ang concert sa September 28, sa Smart Araneta Coliseum.

– Nitz Miralles