Regine kinuyog, pinersonal ng bashers

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABA-BASH ngayon si Ogie Alcasid dahil sinuportahan niya ang point of view ng asawang si Regine Velasquez kaugnay ng mga kontrobersiyal na pahayag ni President Rodrigo Duterte.

Regine copy

Nag-tweet kasi si Ogie: “I will always defend the views of my wife with the love of God.”

Mas grabe nga lang ang pamba-bash kay Regine, na personal na ang pambibira. Isang netizen ang nag-tweet: “@reginevalcasid YES you LOVE GOD but u do not follow His rule. Matthew 5:32 whoever marries a divorced man/woman commits ADULTERY…and Jesus said better not to MARRY.”

Sagot ni Regine: “It’s because I’m a sinner, but my GOD is so much bigger than my sins. I asked for forgiveness and I have accepted JESUS as my personal saviour. GOD Bless you.”

‘Yung ibang akusasyon kay Regine, gaya ng nag-iingay siya dahil sa bagong show niyang The Clash, ay hindi na lang niya pinatulan. Hindi naman talaga niya kailangang sagutin isa-isa ang mga namba-bash sa kanya, dahil ang fans niya at fans nila ni Ogie ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga bashers.

Matapos mangako ni President Duterte nitong Lunes ng “moratorium” sa pagkokomento sa Diyos ng Simbahang Katoliko sa kanyang one-on-one meeting sa mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), nag-sorry naman siya sa Diyos nitong Martes ng gabi sa pakikipagpulong niya kay Jesus Is Lord leader Bro. Eddie Villanueva

-NITZ MIRALLES