Libreng serbisyo medikal sa LRT-2

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 38th Founding Anniversary ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay magkakaloob ng libreng serbisyong medikal ang LRT-Line 2 sa mga pasahero nito ngayong Huwebes.

Ayon sa LRTA, makakatuwang nila ang Biofemme Pharmaceuticals sa pagbibigay ng libreng medical services sa kanilang mga pasahero.

Isasagawa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa Cubao Station, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ilan sa mga serbisyong ipagkakaloob ang bone scanning, hemoglobin determination, blood pressure reading, at sugar testing.

“Free medical services: We want to celebrate our 38th anniversary with you! See you at Cubao Station tomorrow!” pahayag ng LRT-2.

-Mary Ann Santiago