Janine, leading lady rin ni Alden

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IPINAKILALA na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres bilang dalawang leading ladies ni Alden Richards sa Victor Magtanggol. Kahit nababanggit na sila, last Tuesday lang formal na in-announce na sila ang makakapareha ni Alden.

Gagampanan ni Janine ang role ni Gwen Regalado, isang field reporter na magre-report tungkol sa mga pakikipaglaban ni Victor Magtanggol.

Si Andrea ay si Sif, isang diwata. Blonde ang buhok niya at may mga fight scenes din sa serye. Sa teaser, nakita pa ngang may bitbit siyang espada sa fight scene.

Nakakatuwa lang na kung may namba-bash man kina Andrea at Janine, mas marami ang natutuwa na sila ang napili ng GMA-7 na ipareha kay Alden. Pinasasalamatan ng fans ni Alden ang dalawang aktres for being brave na tanggapin ang teleserye kahit alam na maba-bash sila.

Sa dalawa, si Janine lang ang nakasama ni Alden na mag-taping sa ibang bansa.

Kasama rin nilang mag-shoot sa ibang bansa si Coney Reyes, na gaganap na ina ni Victor.

Speaking of Janine, nagtatanong ang fans nila ni Rayver Cruz kung hindi raw ba nagselos si Rayver sa pag-amin ni Janine na love niya si Atom Araullo?

Nagkita sina Janine at Atom sa Anniversary at Thanksgiving Party ng GMA Network, nagpakuha ng picture si Janine with Atom at ipinost iyon sa Twitter with caption: “Just professed my love for Atom Araullo at the company thanksgiving party and I have no regrets.”

-Nitz Miralles