Heart, magbabalik-‘Pinas na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PABALIK na ng Pilipinas si Heart Evangelista, dahil sa latest post niya ay nakipagkita siya sa kaibigang si Michael Coste, isang Hermes executive na tuwing bumibisita ang aktres sa France ay lagi niyang binibisita.

Heart copy

Post ni Heart: “No trip to Paris is complete without seeing you both”, na ang tinutukoy ay si Michael Coste at kaibigan nito. “Come back” naman ang sagot ni Michael.

Habang nasa Paris, nanood si Heart sa Paris Fashion Week, kung saan muli silang nagkita ng sikat na Singaporean book author na si Kevin Kwan, author ng Crazy Rich Asians.

Nagkakilala sina Heart at Kevin sa book signing ng huli sa Manila.

Pero kahit nagmo-move on na sa pinagdaanang miscarriage, mahahalata sa isa sa mga posts ni Heart na nalulungkot pa rin siya sa sa pagkawala ng kambal sana nila ni Sen. Chiz Escudero.

“I may not have all the answers but you know what they say, when you get knocked down 7 times, you have to get up 8. It’s been hard to get back to normal but I know that God is with me every step of the way. Each and every day he reminds me that I hve plenty to be grateful for. You can’t erase the hardships, you can only look at them with gratitude for being a part of your journey…,” saad sa post ni Heart.

-Nitz Miralles