Direk Mark, kinukulit sa season 2 ng ‘Encantadia’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYA at feeling blessed si Direk Mark Reyes during the 68th Anniversary ng GMA Network, dahil nakita niya ulit ang mga artistang na-handle niya sa mga teleseryeng kanyang ginawa sa Kapuso Network.

“After running around trying to get them together I succeeded! The four Sang’gres with Emre! #reunited @kylienicolepadilla @sanyalopez @glaizaredux @_gabbigarcia,” caption ng larawang post ni Direk Mark, kasama sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Glaiza De Castro at Gabbi Garcia.

Dahil sa post ni Direk Mark na kitang kumpleto ang main cast ng teleseryeng Encantadia, maraming fans tuloy ang nagtanong kung kailan niya gagawin ang season two ng nasabing serye. Ipinangako raw kasi ni Direk iyon. Pero sabi nga ni Direk Mark, matagal-tagal pa raw siguro ang ipaghihintay ng fans dahil marami pa siyang nakapilang projects.

Nakasama niya rin nang gabing iyon ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez, Barbie Forteza at marami pang iba.

Sa ngayon ay tinatapos pa niya ang epidemic serye na The Cure, na sa Hulyo 27 na ang grand virus finale.

Ayon kay Direk Mark, marami pang aabangang malalaking eksena, dahil dumarami ang mga kaaway ng main leads ng serye. Malalaman pa din kung magtatagumpay ba si Dr. Lazaro (Jaclyn Jose) na tuklasin ang gamot para sa mga infected. May babawian pa kaya ng buhay? May nagtatanong din kung hanggang sa ending ng The Cure, ay mapapanood pa rin sina Kylie at Ruru Madrid. Surprise na raw lamang ito sa mga masugid na televiewers. Gayundin nagpasalamat sila sa patuloy na pagsubaybay ng viewers sa The Cure.

Napapanood ang The Cure, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon