Croatia vs France sa World Cup Finals

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed
LUNGKOT! Dalamhati ang nadama ng mga tagahanga ng England nang makalusot ang Croatia sa extra period at kunin ang panalo para makausad sa Finals ng 2018 World Cup nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Moscow, Russia. Makakaharap ng dehadong Croatia ang France sa championship match. (AP PHOTOS)

LUNGKOT! Dalamhati ang nadama ng mga tagahanga ng England nang makalusot ang Croatia sa extra period at kunin ang panalo para makausad sa Finals ng 2018 World Cup nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Moscow, Russia. Makakaharap ng dehadong Croatia ang France sa championship match.
(AP PHOTOS)

MOSCOW (AP) — Sa magkabilang dulo ng field, walang sinayang na sandali si Sime Vrsaljko.

Naihanda ng Croatian defender ang opensa para sa equalizer sa second half at na-saved ang pagtatangkang goal ng England sa extra time para sandigan ang Croatia sa 2-1 panalo at makausad sa Finals ng 2018 World Cup.

Hilong-talilong si Vrsaljko, naglalaro sa Atletico Madrid, bunsod nang pinagdaanang dalawang extra-time matches, ngunit nagawang maihanda ang sarili sa krusyal na sandali at itarak ang kasaysayan sa kampanya ng Croatia sa World Cup.

Makakaharap ng Croatia ang France sa Finals sa Linggo (Lunes sa Manila). Target ng Croatia na malagpasan ang pinakamatikas na pagtatapos sa World Cup noong 1998 kung saan natalo sila sa host France sa semifinals.

Naghahabol ang Croatia sa 1-0 nang mai-set-up ni Vrsaljko ang bola kay Ivan Perisic para sa goal sa ika-68 minuto. Sa extra time, nilundag niya nang mataas para mapigilang goal ni John Stones bago nagawang makasikor ni Mario Mandzukic sa ika-10 minuto ng overtime para sa winning goal.