‘Buddy Run’, handog ng Robinsons

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TAGUMPAY ang isinagawang 11th Fit & Fun Wellness Buddy Run nitong Linggo sa parade grounds ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sumugod sa venue ang iba’’t ibang tambalan tulad ng magulang, magulang at anak, magkapatid, maglolo’t lola, maghipag, magkaibigan, magkaopisina at magkapit-bahay sa 5K at 10K run.

“We are happy to provide an opportunity for people to start their wellness journey in a fun and one-of-a-kind event with their partners. After all, getting fit and choosing the healthier lifestyle is more worthwhile when shared with a buddy,” pahayag ni Jody Gadia, Robinsons Supermarket general manager.

Itinataguyod ng Robinsons Supermarket, ang 11th Fit & Fun Wellness Buddy Run 5K race ay nagbigay ng top prize na trip for 2 to Siargao para sa tatlong araw at dalawang gabing pamamalagi na libreng hotel accommodation, habang ang 2nd at 3rd placers ay tumanggap ng tig-P8,000 halaga ng Robinsons gift certificates.

Para sa 10K race podium finishers, ang nagwagi ay binigyan ng libreng tiket at tatlong araw at dalawang gabing pamamalagi sa HongKong, habang ang 2nd at 3rd placers ay binigyan ng tig-P15,000 halaga ng Robinsons gift certificates.

Bukod sa masayang pagtakbo, mas pinasaya ng Robinsons ang partisipasyon ng mga kalahok sa pagbibigay ng grocery loot bags na nakauglian na sa Fit & Fun Wellness Buddy Run.

Naglalaman ang loot bags ng healthy products mula sa Nestle, Johnson & Johnson, Wyeth Nutrition, Abbott Nutrition, Fonterra at Unilab.

Ang fun run is ay bahagi ng pagpupursige ng Robinsons Supermarket na mapaabot sa sambayanan ang buting naidudulot nang ehersisyo at pagkain na mabuti sa kalusugan.