Trabaho sa machine operator

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Pinakamataas ang demand para sa production machine operator sa PhilJobnet, ang Internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Simula nitong Hulyo 4, nasubaybayan ng Bureau of Local Employment (BLE) na 6,203 ang bakante para sa production machine operator, na sinusundan ng call center agent, 5,236.

Ang iba pang mga in-demand na trabaho ay salesman, customer service assistant, cashier, domestic helper, staff nurse, sales associate professional, teller, barista, household attendant, at public health nurse.

Marami ring bakante para sa sales clerk, promo salesperson, non-formal education teacher, bagger, driver, delivery driver, real estate salesman, at food server.

-Mina Navarro