San Beda cage camp sa Hulyo 14

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

SISIMULAN ang Saturday-only class ng San Beda basketball camp – ngayo’y nasa ika-13 season – sa Sabado (Hulyo 14).

Inihayag ni Program head Edmundo Badolato na isasagawa ang camp sa Mendiola at Taytay campus at bukas para sa mga kabataan – lalaki at babae – na may edad 5 taon pataas.

Bukas pa ang pagpapatala para sa mga interesesadong indibidwal, eskwelahan, club team at community group. Makipag-ugnayan kina Oliver Quiambao sat el. Blg. 735-60-11 local 2104 p sa mobile no. 0929-1971071 o kay Mr. Badolato sa 0908-8624543.

Nakatakda ang camp ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon ang magtatapos sa Setyembre 1.

Para sa mga first timers, mabibigyan sila ng basic at fundamental movement, habang nasa advance session ng mga campers na nauna na ring nakalahok sa naturang programa.

Kasama sa babayarang P4,000 fee ang San Beda jersey at bola na kaloob ng Molten.