Pagaduan, nanalo sa Thai boxer

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

NAPAGANDA ni Philippine minimumweight champion Jesebelle Pagaduan ang kartada nang talunin sa 6-round unanimous decision si Thai lady warrior Saranyaphong Theinthong nitong weekend sa 100 Boxing Stadium sa Ramkamhaeng, Bangkok, Thailand.

Inaasahang aangat sa world ranking ang tubong Benguet na si Pagaduan na tumabla sa kanyang unang world title bout kay WBO female minimumweight titlist Kumiko Seeser Ikehara noong Pebrero 28, 2015 sa Osaka, Japan.

Naiangat ni Pagaduan ang kanyang rekord sa 10 panalo, 1 talo na may 4 pagwawagi sa knockouts at umaasang muling mapapasabak sa world title bout sa kanyang susunod na laban.

-Gilbert Espeña