Gamiterong aktor, nalaos; resto nagsara na

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA isang showbiz event ay nagkakatanungan ang mga katoto kung ano na ang nangyari sa restaurant na itinayo ng isang aktor, dalawang taon na ang nakararaan.

“Sarado na ba ‘yung resto ni (aktor)? Um-attend pa ako sa opening no’n, eh, ipina-cover sa akin,” say ng photographer na kasama sa tsikahan.

Ang sinasabing aktor ay hindi na aktibo ngayon sa kanyang career, at hindi rin alam kung nasaan na siya ngayon. Baka kaya isinara na ang restaurant.

“Baka nalugi, kasi ang balita ‘yung ex-(girlfriend) niya ang gumastos kaya nakapagpatayo,” sabi naman ng isa pang katoto.

Matagal nang nabalita na ang dating dyowa nga ng aktor ang nagpatayo ng restaurant, pero sabi naman ng iba ay magkasosyo sila. Eh, hiwalay na sila, kaya siguro nagsara na.

Anyway, nasaan na nga ba ang aktor ngayon?“Waley na, laos na wala nang career,” sunud- sunod na sabi ng mga kausap namin.

Huling balita namin ay nasa ibang bansa ang aktor kasama ang foreigner na girlfriend, na plano na niyang pakasalan.

Babalik pa ba sa showbiz ang aktor?

“Depende kung kaya siyang buhayin ng dyowa niya ngayon. Baka magnegosyo na lang. Kung hindi, babalik siya sa showbiz,” pabirong sabi ng isa pang katoto.

“Gamitero ‘yun!” iritable namang hirit ng isa pa.

-Reggee Bonoan

  • MarianoRivero

    Daniel Matsunaga.