Panukalang federalismo mahabang usapan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Mabahang usapan ang panukalang paglipat sa federal system of government at dadaan pa ito sa maraming pagbabago.

Ito ang inamin ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Eduardo Nachura, isa sa 22-members Consultative Committee (ConCom).

Aniya, maaaring mabago pa ang ilang mga probisyon bago ito isumite sa Kongreso o kasabay ng State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Maaari pang baguhin ito, maaari pang mabago ito. Halimbawa may isang bagay na gustong gusto ng tao, halimbawa sa Tacloban at ang mga tao doon ay nagsasabing dapat idagdag ang panukalang ito, ganyan, at ito ang kanilang gusto na sa tingin nila ay makakabuti sa kanila. Kaya kami nagkukunsulta para malaman ang gusto ng tao. Gagawin namin we will make the necessary change bago ibigay ni Presidente sa kanyang State of the Nation Address,” pahayag ni Nachura.

Sa Lunes, nakatakdang isumite ng komite ang kanilang nabuong mga panukala kay Pangulong Duterte.

-Beth Camia