No.1 sa drug list dedo, 9 tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang umano’y No. 1 drug pusher sa Lucena City, sa buy-bust operation sa Quezon, iniulat kahapon. Arestado naman ang dalawa nitong kasabwat at pitong naaktuhang nagdodroga sa nasabing pagsalakay.

Kinilala ang napatay na si Fernando Ibañez, alyas Jepoy, na nangunguna sa drugs watch list ng pulisya.

Sa ulat ni Supt. Romulo Abacea, hepe ng Lucena City Police Office (LCPO), pinaputukan ni Ibañez ang mga pulis at nauwi sa engkuwentro hanggang sa bumulagta ang suspek.

Kinilala ang mga inaresto na sina Jefferson Vergara at Rherey Reynoso, na kapwa naaktuhang nare-repack ng shabu, at ang pito pa na pawang gumagamit ng droga na kinilalang sina Czel Delantar, Randy Mercado, Jonathan del Fierro, Alfred Habitan, Jaypee Habitan, Jorence Penilla, at Jennylyn Umbrete.

Nakatakdang kasuhan ang mga inaresto ng paglabag sa RA (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Fer Taboy