Matthysse, nagdeklara ng ‘giyera’ kay Pacman

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

KAAGAD na nagdeklara ng digmaan si WBA welterweight champion Lucas sa kanyang karibal na si eight-division world champion Manny Pacquiao na nais niyang patulugin at pagretiruhin.

Makaraan ang 18 oras na biyahe mula sa Amerika, kaagad nagpunta si Matthysse at ang kanyang team sa isang boxing gym sa Kuala Lumpur, Malaysia upang magpagpag ng jet lag.

Maghaharap sina Matthysse at Pacquiao para sa WBA welterweight title sa Hulyo 15 at ngayon pa lamang ay lamang sa pustahang 2:1 ang Pinoy boxer sa mga oddsmaker sa Las Vegas, Nevada.

Nakatuon ang atensiyon ni Matthysse sa paggapi sa kanyang karibal na si Pacquiao na matagal na niyang gustong makaharap sa lonang parisukat.

“Manny Pacquiao. I want to defeat a legendary fighter like Manny. This is not (Zab) Judah, (Victor) Postol, (Devon) Alexander and (Danny) Garcia,” sabi ni Matthysse hinggil sa mga boksingerong tumalo sa kanya.

May rekord na 39 panalo, 36 sa pamamagitan ng knockouts, dumating si Mattyhysse sa Kuala Lumpur kasama ang kanyang manedyer na si Mario Arano, trainer Joel Diaz, Golden Boy Promotions PR man Ramiro Gonzalez at tatlong iba pa.

“This is Manny Pacquiao, and this is the quest for anyone in boxing (to defeat Pacquiao,)” diin ni Matthysse sa kanyang kalaban na may kartadang 59-7-2 na may 39 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña