Mas malakas ang Cignal sa PLDT

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

GINAPI ng Cignal ang PLDT Home Fibr, 25-23, 25-19, 33-31, nitong Biyernes upang makausad sa championship match ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference men’s division sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Naisalba ng HD Spikers ang matikas na ratsada ng karibal at na-saved ang magkakasunod na set points sa third frame para kumpletuhin ang dominasyon sa best-of-three semifinals at makausad sa Finals sa ikatlong sunod na pagkakataon. Nakamit ng Cignal ang parehong conference at Open Conference sa nakalipas na taon.

Pinangunahan ni five-time UAAP Most Valuable Player Marck Espejo ang Cignal sa naiskor na 22 puntos, tampok ang 19 kills, tatlong aces at isang block at 12 excellent receptions.

Makakaharap ng Cignal sa championship ang mananalo sa Philippine Air Force at Vice Co.

Nag-ambag sina skipper Ysay Marasigan ng 13 marka at Wendel Miguel na may 12 puntos para sa HD Spikers.

Nanguna sa PLDT si John Vic De Guzman na may 14 puntos, habang nalimitahan si Mark Alfafara, umiskor ng 24 puntos sa panalo ng Ultra Fast Hitters sa Game 2, sa limang puntos