Landbank ATM cards puwedeng kunin sa Sabado

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Bukas ang lahat ng sangay ng Landbank ngayong Sabado (Hulyoy 7) para sa pagre-release ng bagong Visa Debit EMV Card.

Sa abiso ng Landbank, 8:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon, ay bukas ang lahat ng kanilang sangay sa buong bansa. Pinapayuhan ang mga kukuha ng bagong EMV Card na magdala ng isang valid ID. Maaaring magtungo sa branch of account at hilingin na ipadala ang EMV Card sa branch na malapit sa kanila pero aabutin naman ito ng 10-araw.

Available din ang release ng EMV-enabled ATM cards kapag weekdays, 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Simula sa Hulyo 15, 2018 ay hindi na magagamit ang lahat ng lumang ATM cards.

-Beth Camia