Crime rate sa Ecija bumaba ng 21%

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Bumaba ng 21% ang krimen sa 27 munisipyo at 5 lungsod sa probinsiya, iniulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO).

Ayon kay NEPPO Provincial Operations & Plans Branch Chief Supt. Norman Cacho, simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay umabot sa 4,259 ang krimen. Ito ay mas mababa kaysa 5,401 noong nakaraang taon.

Karamihan sa naitalang kaso ngayong taon ang non-index crime na 3,715 at 544 naman ang index crime na karaniwan ay physical injuries, theft, qualified theft, robbery, rape, murder, at homicide.

-Light A. Nolasco