Bebot nilamog dahil sa R20

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMILING, Tarlac – Dahil sa pera, bugbog-sarado ang isang babae sa kanyang live-in partner sa Barangay Poblacion H, Camiling, Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joan Clemente Poco, binugbog ni Vinzon Angala, 25, ng nasabing barangay, ang kanyang live-in partner, 23, dahil hindi nito mailabas ang P20 na kanyang hinahanap.

Ayon sa biktima, pinagsisipa siya ng suspek sa ulo at pinagbabato ng bote ng softdrinks.

Pinag-iisipan pa ng biktima kung kakasuhan niya ang suspek.

-Leandro Alborote