4 na gang members utas sa shootout

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ZAMBOANGA CITY – Patay ang apat na miyembro ng gang na nag-o-operate sa Midsalip, Zamboanga Del Sur sa engkuwentro sa mga pulis, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang dalawa sa apat na napatay na sina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan. Patuloy na kinikilala ang dalawa pa.

Nakuha sa mga suspek ang improvised shotguns (paltiks), caliber .45 pistols, iba’t ibang bala kabilang na ang mga patalim.

Ayon kay Beltran naganap ang engkuwentro sa Purok 4, Barangay Cumarom, Midsalip, Zamboanga Del Sur, dakong 5:30 ng madaling arawa kamakalawa.

Iniulat na punaputukan ng mga suspek ang mga pulis, na nakatakdang magsilbi ng warrant of arrest laban kina Bantayan, na naging sanhi ng ilang minutong engkuwentro.

-Nonoy E. Lacson