Sundalo patay, 1 sugatan sa engkuwentro

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Isang sundalo ang napatay at sugatan naman ang isa pa makaraang makasagupa ang aabot sa 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao, nitong Martes ng hapon.

Sa inilabas na impormasyon ng 6th Infantry Division-Public Affairs Office, nakasagupa ng 57th Infantry Battalion (IB) ang rebeldeng grupo sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha, dakong 3:30 ng hapon.

Matapos ang sagupaan, dead on the spot ang isang sundalo at sugatan naman ang isa pang kasamahan nito.

Sinabi naman ni Joint Task Force Central commander Brig. Gen. Cirlito Sobejana na tunay na iniaalay ng mga sundalo ang kanilang buhay para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan laban sa bandidong grupo, katulad ng BIFF.

-Fer Taboy