Creamline, inalat sa Game 1 ng PVL s’finals

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MULA sa pagtatapos na topnotcher sa nakaraang elimination, nalagay sa bingit ng alanganin ang Creamline matapos matalo sa Game 1 ng kanilang best of 3 semifinals series ng Premier Volleyball League 2 Reinforced Conference nitong weekend.

Sa nasabing laban, naglaro pa rin si Cool Smashers skipper Alyssa Valdez na may iniindang sprained right ankle na kanyang natamo noong elimination round kontra defending champion Pocari Sweat-Air Force..

Ayon kay Valdez, kaya naman nyang maglaro kahit may nararamdamang kirot.

Ngunit, kahit di aminin, halatang hindi makagalaw ng maayos ang pambatong hitter ng Cool Smashers sa nakaraang kabiguan nila sa Game 1 sa kamay ng Lady Warriors.

Gayunman, nangako siyang babawi kasama nina 2-time UAAP Best Blocker Michele Gumabao, dating UAAP Best Setter Jia Morado, at mga imports Kuttika Kaewpin at Laura Schaudt sat Game 2 bukas (Miyerkules).

“Pag gusto mo talagang manalo, lahat gagawin mo para sa team mo at sa mga kakampi mo, “ ani Valdez.

-Marivic Awitan