Ama ni Meghan Markle, sinita si Queen Elizabeth II

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

LAMAN ulit ng headlines ang ama ni Meghan Markle, si Thomas Markle, dahil hindi umano ito natatakot kay Queen Elizabeth II.

Meghan at Queen Elizabeth II

Sa pamamagitan ng telepono, nakipag-usap ang ama ng Duchess of Sussex sa kanyang mga best friend sa TMZ, at inireklamong inilagay siya ng royal family sa “penalty box”. Ito ay dahil sa kanyang mahabang interview sa Good Morning Britain, kung saan niya isiniwalat ang lahat ng uri ng royal secrets.

Sinabi ni Thomas sa TMZ na hindi pa niya nakakausap ang kanyang anak (o kahit na sino mula sa palasyo) simula nang umere ang panayam, at iniisip niyang nababalewala siya, at lalong naiinis dahil mauuna pang kausapin ng Queen si Donald Trump kaysa kanya.

“If the Queen is willing to meet our arrogant and insensitive president she has no excuse not to meet me,” sabi ni Thomas sa TMZ. “I’m nowhere near as bad.”

Kahit na hindi inimbitahan, iniulat na lilipad si Thomas papuntang England para bisitahin ang kanyang anak, ayon sa Good Housekeeping.