Del Rosario, tumapos sa top 10 ng European Tour

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

BANGKOK, Thailand – Umiskor si Pauline del Rosario ng 71 sa final-round para makisosyo sa ikawalong puwesto sa Ladies European Tour’s Thailand Championship nitong Linggo.

Nakuha ng Filipina shotmaker ang bentahe ang sosyong liderato matapos ang unang dalawang round, ngunit kinapos siya sa naiskor na 74 sa third round para sa kabuuang 6-under 282 sa Phoenix Gold Golf Club sa Pattaya.

Tumapos si Kanyalak Preedasuttijit ng 69 para sa 15 under 273 at isang stroke na panalo kontra amateur golfer Selin Hyun ng Korea, umiskor ng 65.