Anak ni Navarette, tumabo ng P2.6M sa UFC

Filed under UFC Balita RSS RSS Feed

SINGAPORE – Nabigo si Rolando Dy sa kanyang laban sa UFC, ngunit uuwi siyang milyonaryo.

Nagapi ang anak ng kontrobersyal na boxing great na si Rolando Navarrete ni Shane Young via TKO sa second round, ngunit ang naturang laban ay napili bilang Fight of the Night sa UFC Singapore nitong Sabado.

Bunsod nito, pinaghatian ng dalawa ang premyong US$100,000 (P5.2 milyon), gayundin sina Ovince St. Preux at Tyson Pedro.

Nadomina ng 24-anyos na si Young si Dy na duguan na sa laban bag ang TKO. Bumagsak ang marka ni Dy sa 9-7 at 1-3 sa UFC.