‘Game of Thrones’ co-stars Kit Harington at Rose Leslie, nagpakasalGlaizaLeslie

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

LONDON — Ikinasal nitong Sabado ang dating Game of Thrones co-stars na sina Kit Harington at Rose Leslie, at ginanap ang church service at ang selebrasyon ng kasal sa ancestral castle ng bride sa Scotland.

Britain Harington Leslie

Nagtipun-tipon at dumalo ang mga bisita sa kasal sa Rayne Church, malapit sa 900-year-old Wardhill Castle sa northeast Scotland, na pagmamay-ari ng pamilya ni Rose.

Todo-ngiti naman si Kit, suot ang morning suit, at si Rose, na glowing sa kanyang flowing ivory gown at veil, sa publiko na nagtipun-tipon sa labas ng simbahan para matunghayan ang importanteng araw ng kanilang mga idolo.

Kabilang sa mga bisita ng newly-wed ang kanilang Game of Thrones co-stars na sina Peter Dinklage, Maisie Williams, Sophie Turner at Emilia Clarke.

Pagkatapos ng seremonya ay sinabuyan ang newlyweds ng rose petal confetti nang papalabas na sila ng simbahan, bago sumakay sa isang Land Rover na may nakakabit na “Just Married” signs papunta sa reception na nakahanda sa castle grounds.

Nagkakilala sina Kit at Rose, kapwa 31 anyos, noong 2012 sa set ng HBO fantasy series, kung saan gumanap silang couple bilang sina Jon Snow at Ygritte. Hindi na napabilang sa cast si Rose noong 2014 at kasalukuyan siyang mapapanood sa U.S. legal drama na The Good Fight.

Inihayag ng couple ang kanilang engagement sa pamamagitan ng notice sa Times of London newspaper noong Setyembre.

Sinabi naman ng ama ng bride, si Sebastian Leslie, nitong Sabado na siya ay “absolutely thrilled” tungkol sa wedding.

“It’s an absolutely lovely day for us,” aniya.

-Associated Press