Negosyante, grabeng tubuan ang suking celebrities

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

“SA Japan namimili si (kilalang negosyante) ng mga second-hand branded bags, at nakita namin siya roon kasama ng kaibigan ko.”

Ito ang kuwento sa amin ng isang aktres.

May sariling puwesto sa high-end mall ang kilalang negosyante, na halos lahat ng mga artista ay sa kanya namimili kasi ang press release niya ay sa Europe siya namimili ng branded bags.

“Oo nga, eh. Ako rin nabentahan niya before. Pinagbigyan ko lang kasi makulit [pero] hindi na ako umulit kasi mahal. In fairness, maganda naman ‘yung nabili kong bag na marami namang kapareho, kasi ‘di ba ‘pag (brand ng bag) halos pare-pareho ang design at style? So, feeling ko naka-jackpot ako kasi investment din naman ang bag, ‘di ba?

“E, nu’ng naglilibot kami sa Japan, nakita ko siya (kilalang negosyante) do’n sa second-hand store na pinupuntahan din namin, at palabas siya that time. Ang daming bitbit na bags. Sayang nga hindi kami nagkita kasi sumakay siya kaagad ng service car niya.

“Kaya naisip ko, kung doon niya binili ‘yung bag na nabili ko sa kanya, eh, triple ang patong niya. Kasi mura lang naman ang mga bag doon. Okay lang tumubo, pero ‘wag naman sobra-sobra,” kuwento ng aktres sa amin.

Ang suking aktresa ng kilalang negosyante ay sikat na personalidad, dahil araw-araw ay iba-ibang bag ang ginagamit.

-Reggee Bonoan