St. Benilde, nakaungos sa Letran

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

DALAWANG krusyal na freethrows ang ibinuslo ni Edward Dixon sa nalalabing 12 segundo ng overtime period upang isalba ang College of Saint Benilde kontra Colegio de San Juan de Letran, 89-88, nitong Miyerkules sa 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa San Juan City.

Dahil sa panalo, nabawi ng Blazers ang pamumuno sa Group B sa pag-angat nila sa markang 6-1.

May tsansa pa sanang agawin ang panalo ng Knights, ngunit hindi hinayaan ni Clement Leutcheu na matanggap ni Christian Fajarito ang pasa sa kanya sa kanilang huling possession.

Huling lumamang ang Letran ,88-87, matapos ang isang jumper ni Jeo Ambohot pagkaraang maagaw ang bola mula sa inbound may 32 segundo pa ang natitirang oras bago na foul ni Bong Quinto si Dixon.

Si Quinto ang naghatid ng laban sa extension sa pamamagitan ng isang triple sa iskor na 75-all, 12 segundo na lamang ang natitirang oras sa regulation.

“It boiled down to the breaks of the game and we had more stops in the end,” ani Coach Tyrone Tang.

Pinamunuan ni Dixon ang laro na may 21 puntos, bukod sa siyam na rebounds at apat na assists.

Nanguna naman sa Letran na bumagsak sa markang 4-3 si JP Calvo na may 17 puntos.

-Marivic Awitan