Preso sa Novaliches, ‘di namatay sa bugbog –QCPD

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Itinanggi ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ang alegasyon ng pamilya ng isang preso na binugbog nila ito na naging sanhi ng pagkamatay nito sa loob ng Novaliches Police Station, kamakailan.

Ayon kay QCPD director, Chief Supt. Joselito Esquivel, nahirapang huminga ni Genesis Agoncillo, alyas Tisoy, habang ito ay nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya nitong Hunyo 19.

Agad isinugod sa Novaliches District Hospital si Agonncillo at idineklarang dead-on-arrival, dakong 5:15 ng madaling araw.

Sabi ni Esquivel, base sa certification ng doktor ay walang nakitang external injuries sa bangkay ni Agoncillo.

Nilinaw din ng QCPD na hindi kabilang si Agoncillo sa mga tamnbay na dinampot ng pulisya sa sunud-sunod na anti-criminality drive.

Si Agoncillo ay dinakip ng mga tauhan ng Novaliches police station sa reklamong alarm and scandal nitong Hunyo 15.

-Jun Fabon