Maging kidney donor —DoH

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

MULING isinapubliko ng Department of Health (DoH) nitong Lunes ang panawagan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa mga Pilipino na maging kidney donor at maging daan upang bigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay ang mga taong nangangailangan ng bato.

“As donor of kidney to someone who needs it, one can be a hero,” pahayag ni Health Undersecretary Herminigildo Valle sa panayam sa media.

Ayon kay Valle, sa pagiging organ donor o paghawak ng organ donor card ay pagpapaabot ng tulong upang maisalba ang buhay ng ibang tao.

Aniya, dapat nang itama ang pananaw ng publiko na nalulugod ang mga doktor kung nagiging kritikal ang lagay ng taong naghahawak ng donor card.

“That’s wrong. A doctor’s priority is actually saving lives,” dagdag pa niya.

Aniya pa, ang bagay na pumipigil sa mga Pilipino na maging organ donor ay ang matinding ugnayan ng mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay, sa pag-asang may mangyayaring himala sa near-death cases.

Samantala, sinabi rin ni Valle na maaaring ligtas na makapagbigay ng kidney ang mga living donors sa pamamagitan ng proper monitoring.

“Living donors who donated their kidneys undergo annual tests: blood test to check the creatinine as a measure of kidney function, urinalysis to check if there is protein in the urine and checking of the blood pressure,” lahad ni Valle.

Ayon sa NKTI, kailangang madagdagan ang bilang ng mga nabubuhay pang organ donors.

“Unfortunately, the number of patients transplanted from deceased donors in the country remains ‘dismally low’,” lahad ni NKTI executive director, Dr. Rosemarie Liquete.

Noong 2016, aniya, ay mayroong 438 pasyente ang sumailalim sa kidney transplant at mula ang kidney sa mga living donor.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin niya na 64 kidney transplant, na nagmula sa mga namatay na organ donors, ang naisagawa noong 2009 at umabot ito sa 90 bilang noong 2011, ngunit bumaba sa 42 noong 2016.

“Last year, the number of kidney transplants from deceased donors further dropped to 20,” ani Liquete.

Sa Pilipinas, base sa pag-aaral, isang Pinoy ang namamatay dahil sa kidney failure kada oras.

PNA